186 na pahina na puno ng “Pinoy Clichés” sa Pelikula, sa Radyo, sa Telebisyon, at sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino, mayaman man o mahirap.
Dinaig ng bagong akda ni Bob Ong ang pabalat ng mga pocket books ni Martha Cecilia, ang “cheesy” na font style para kunwari ma-drama, at pamagat na (kunwari ay) galing sa isang tanyag na kanta.
Parang kahapon lang meron akong binasang bagong libro nitong si Bob Ong, sariwa pa din kung paano naging instant hit ang Ubeng Libro na ‘yun. Ngayon ay meron na naman siyang handog para sa mga Pilipinong nais mamulat sa katotohanan. Kung noon ay istilong pang-diary ang ginamit niya. Sa ika-siyam niyang libro ay “film script” kung saan ang bawat tauhan ay nagbibigay ng reaksyon sa mga nangyayari sa kanila.
Hinati ang libro sa tatlong pelikula. Isang action ( Bala sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat), horror (Shake, Shaker, at Shakest), at drama (Asawa ni Marie). Lahat ay mga simpleng batikos na hinaluan ng patawa para maging kahuma-humaling sa mambabasa. Hindi nalalayo sa mga teenagers ang bagong libro, at halata naman na ang librong ito ay sinulat ilang buwan lang ang nakakaraan. Nandun ang mga Facebook Status na walang kwenta, mga Pulitikong phinotoshopped ang mga litrato, at kung anu-ano pang Trending Topic ngayon.
Pero isang anggulo lamang ng istorya ang mga simpleng banat na iyan. Ilan ‘to sa mga puntong nagustuhan ko sa kanya:
- ‘Yon yung mali sa tinatawag na ‘cool factor.’ Para maging ‘in’ ka, dapat magustuhan mo ‘yung gusto ng iba. Pero pag sobrang dami na ng may gusto, dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na.
- Sige, dahil nakakalungkot ang kwento ng buhay mo at full time kang hindi naghahanap ng trabaho pantaguyod kahit man lang sa sarili mo, meron kang…twenti-tawsan!
- Pero ang tinatawag mong mangmang ang totoong pwersa ng bayan. Sila ang mas nakararami. Sila ang nagluluklok ng pangulo ninyo.
Ang dami pa, pero baka maging “quOteS nI bOb Ong ngAyonG 2011” na ang post na ito. Dito siguro sa librong ito nakuha ni Bob Ong ‘yung respeto ko sa kanya bilang manunulat. At sa tingin ko, dapat mabasa ito ng bawat tao sa media. Dahil sa kanila dedicated ito. Para naman mas mapaglinang nila ang sining ng Pilipino. Nasasayang ang galing at talento, nawawala ang pagiging orihinal at malikhain natin. Dahil hindi na natin iniisip ang kalidad ng isang materyal, parati na lang pera, pera, at pera.
Ano na lamang kinabukasan ng susunod na henerasyon, kung tagalog na Spongebob Squarepants ang parati nilang dadatnan? At ilang milyon ba ang gagastusin ng bawat Pilipino magaya lang nila ang idolo nila?
Ilang mangmang kaya ang makakabasa nito?
Notes
-
sinhieaypogi liked this
-
aymmabbi liked this
-
jennicabianca liked this
-
patriciok liked this
-
kathlyncanay liked this
-
piechan reblogged this from starshitcrap
-
magde-deactivate liked this
-
karlogy reblogged this from starshitcrap and added:
wow. heavy. wow.
-
probinsiyano liked this
-
probinsiyano said:
ang ganda naman ng review mo. natuwa ako, binasa ko hanggang dulo. wow.
-
fertilityqueen liked this
-
memorykill said:
4 of 5 stars :)
-
memorykill liked this
-
changyy liked this
-
starshitcrap posted this